SANTA CRUZ, Laguna – Nagpatawag ng emergency meeting si Governor Marisol "Sol" Aragones upang paghandaan ang posibleng lindol na maaaring tumama sa lalawigan. Ayon sa kanya, mas mahalaga ang kaligtasan ng bawat isa kaysa sa anumang abala na dulot nito.
Bilang bahagi ng paghahanda, sinuspinde ng gobernador ang lahat ng face-to-face classes sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Laguna simula Martes, Oktubre 15, hanggang Oktubre 31. Layunin nitong mapanatiling ligtas ang mga estudyante at guro sakaling magkaroon ng sakuna.
Nagkaroon man ng halo-halong reaksyon sa social media tungkol sa anunsyo, nilinaw ni Gov. Aragones na ito ay hakbang para masigurong ligtas ang mga kabataan, lalo na't kabilang ang Laguna sa mga lugar na dinadaanan ng West Valley Fault. Aniya, mas panatag ang loob ng mga magulang kung nasa bahay ang kanilang mga anak sa panahon ng sakuna.
Sa panahon ng suspensyon, ipatutupad ang alternative delivery modes (ADM) gaya ng online learning at modular learning upang maipagpatuloy pa rin ang edukasyon ng mga estudyante.
Post a Comment