Mas makulay at mas makabagong pagdiriwang ang haharapin ng ANILAG Festival ngayong 2026. Bilang bahagi ng pag-angat ng selebrasyon, inaanyayahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ang mga Laguna based graphic artist at designer na ipakita ang kanilang husay sa ANILAG Festival Level Up 2026 Logo Making Contest.
Layunin ng patimpalak na makalikha ng bago, moderno, at makabuluhang logo na magsisilbing mukha ng susunod na yugto ng ANILAG Festival isang simbolo ng kultura, pagkamalikhain, at pagmamalaki ng mga Lagunense.
Ang mapipiling Grand Winner ay tatanggap ng P20,000 cash prize, habang apat na consolation winners ang mag-uuwi ng tig-P5,000 bilang pagkilala sa kanilang natatanging disenyo at malikhaing ambag.
Ang proyektong ito ay itinataguyod ni Governor Sol Aragones sa ilalim ng adbokasiyang GOByernong may SOLusyon, bilang patunay ng patuloy na pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa lokal na talento at sining ng Laguna.
Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong kalahok na ihanda ang kanilang pinakamahusay na disenyo at maging bahagi ng kasaysayan ng ANILAG Festival isang pagdiriwang na patuloy na umaangat at nagbibigay pagkilala sa galing ng mga Lagunense.
Post a Comment