109K Halaga ng Marijuana at Black Vape, Nasabat sa Buy-Bust ng Sta. Cruz PNP


STA. CRUZ, Laguna — Arestado ang apat na indibidwal sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Sta. Cruz Municipal Police Station, kung saan nasabat ang aabot sa P109,000 halaga ng hinihinalang marijuana at black vape na may sangkap din umano ng marijuana.

Kinilala ng Laguna Police Provincial Office ang mga suspek na sina alyas Arvie at Rencie ng Sta. Cruz, at alyas James at Gold ng Kalayaan, Laguna.

Ayon kay PLTCOL Jojo Sabeniano, OIC ng Sta. Cruz MPS, nasamsam mula sa operasyon ang 333.3 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P39,996 at 100 pirasong black vape na tinatayang nasa P70,000 ang halaga. Kabilang din sa nakuha ang buy-bust money, isang Honda CRV, at iba pang kagamitan.

Isinagawa ang operasyon sa presensya ng barangay official at media representative, habang naitala ito gamit ang body-worn camera at alternate recording device.

Kulong ngayon ang mga suspek at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

Ayon kay PCOL Jonar Yupio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO, patuloy ang kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga upang maprotektahan lalo na ang kabataan.( Lynn Domingo)

Post a Comment

Previous Post Next Post