San Pablo City-Sa patuloy na pagsusumikap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mapabuti ang serbisyo publiko at mapalakas ang kampanya laban sa mga lumalabag sa batas sa pagbubuwis, muling pinagtibay ng LAQUEMAR District Office ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng mataas na kalidad ng serbisyo, paggamit ng makabagong teknolohiya, at pagtataguyod ng integridad at propesyonalismo sa lahat ng aspekto ng kanilang operasyon.
Sa ginawang Kapihan sa SM City San Pablo ,nakapanayam ng mga mamamahayag ng CALABARZON ang mga kinatawan ng bawat distrito ng LaQueMar, sa pangunguna ni BIR RR9B RD Michael Remir Macatangay, upang magkaroon ng malinaw na kamalayan ang mga mamamatan patungkol sa kanilang mga alituntunin na mahalaga para sa mga tax payer.
Ayon sa pamunuan ng distrito, apat ang pangunahing direksyong tinatahak ng kanilang tanggapan: kahusayan sa serbisyo, digitalisasyon, integridad at propesyonalismo, at mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin ng BIR.
“Ang aming layunin ay hindi lamang ang makalikom ng tamang buwis, kundi tiyakin na ito ay nagagawa sa paraang patas, epektibo, at may malasakit sa publiko,” pahayag ni RD Macatangay
Kasama sa mga hakbangin ng tanggapan ang pagpapabuti ng taxpayer services, kabilang ang mas mabilis na proseso, malinaw na impormasyon, at maagap na pagtugon sa mga katanungan ng publiko, pagpapatupad ng digital platforms upang gawing mas madali, ligtas, at episyente ang pagpa-file at pagbabayad ng buwis.
Pagtutok sa integridad sa lahat ng transaksyon at pakikitungo sa publiko, sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin ng serbisyo-sibil.
Pagpapatupad ng mga batas sa buwis, kabilang ang audit, imbestigasyon, at penalidad para sa mga hindi sumusunod sa tamang pagbabayad ng buwis.
Sa panawagan ng BIR, hinihikayat ang mga mamamayan maging mga media at mga negosyante na makiisa sa pagtataguyod ng isang tapat at makatarungang sistemang pampananalapi, gamit ang mga online services at pag-uulat ng anumang iregularidad o paglabag sa batas. maari din sila magpunta sa lahat ng kanilang tanggapan na malapit sa lugar. ( Lynn Domingo)
Post a Comment