San Pablo City, Laguna — Isang matagumpay na payout para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ang isinagawa sa Barangay San Gabriel kung saan 917 senior citizens ang nakatanggap ng pinansyal na tulong sa inisyatibo ni Laguna 3rd District Representative Loreto “Amben” Amante, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa covered court ng barangay at dinaluhan ng mga nakatatanda mula sa iba't ibang barangay ng lungsod ng San Pablo. Layunin ng programa na matulungan ang mga senior citizen sa kanilang mga pangangailangan sa gitna ng patuloy na hamon sa kabuhayan.
Hindi naman nagpabaya ang mga tauhan ni Cong Amben bukod sa pag aasikaso sa mga lolo at lola may patubig na at may pa papcorn pa si Kapitana Madette na sumuporta sa nasabing payout
Samantala binigyang-diin Cong. Amante ang kanyang patuloy na suporta sa kapakanan ng mga nakatatanda. Kanyang inalala ang Centenarian Law na kanyang isinulong, na nagbibigay ng insentibo sa mga Pilipinong umaabot sa edad na 100. Isa umano ito sa mga patunay ng kanyang malasakit sa mga senior citizen.
Ibinahagi rin ng kongresista ang isang panukalang batas na kanyang inihain, na layong ibaba sa edad 70 ang kwalipikadong tumanggap ng pensyon ng mga senior citizen — mas maaga kaysa sa kasalukuyang pamantayan. Ayon sa kanya, kapag naisabatas ito, malaki ang maitutulong nito upang maibsan ang pasanin ng mga nakatatanda sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang naturang payout ay isa lamang sa mga inisyatibong isinusulong ni Cong. Amben upang masigurong hindi napapabayaan ang mga nakatatandang sektor ng lipunan.( Lynn Domingo)
Post a Comment