Patuloy ang paglilingkod ng Third District Representative Cong. Amben Amante sa pamamagitan ng kanyang peoples day na karaniwang ginaganap sa kanyang mga satelitte office.
At noon araw ng Huwebes sa halip na antayin na matapos ang ipinapagawang opisina sa San Pablo City ay ninais nyang gawin ang kanyang Peoples Day sa Nagcarlan Laguna upang malapitan sya ng mga kababayan nya na sa kanya ay may kailangan.
Ayon kay Cong Amben napakahalaga ng Peoples Day, at blessing na din ang may satelite office sya sa Nagcarlan sa tulong ni Mayor Elmor Vita ,at sa Calauan naman ay may talagang opisina sya doon sa tulong ni Mayor Osel Caratihan.
Isa- isang hinarap ng Congressman ang mga individual ,grupo at mga kapitan na pinuntahan sya sa nasabing satelite office.
Masayang binisita ng Alkade ng Nagcarlan Laguna , na si Mayor Vita ang Satelite office upang suportahan ang ginagawang paglingap ng kongresman sa kanyang mga kababayan (Lynn Domingo)
Post a Comment