Gobyernong MaySolusyon Inilapit sa Mamamayan sa Pamamagitan ng Pitong Aksyon Center, na Binuksan Na.

Nagpasalamat si Mayor  Benjo Agarao dahil unang pinuntahan ni Governor Sol Aragones ang bayan ng Sta Cruz upang dumalo ng flag Raising Ceremony at idaos ang peoples day dala dala ang mobile botica,na nagmahagi din ng libreng gamot ,ng araw ng lunes ,ika -14 ng hulyo na dinaluhan ng buong Sanguniang Bayan at mga empleyado.

"Iikutin ko po ang bayan bayan Walang  peoples day sa kapitolyo dahil ang totoong Peoples Day ay yung pumunta ka sa bayan na yun ,kailangan kong marinig maramdaman at makita ang pangangailangan ng ating kabababayan" ani Governor Sol Aragones yan ang gagawin nya upang ilapit ang serbisyo sa bayan.

Samantala  binuksan na ang sa pitong (7) aksyon center na matatagpuan sa mga bayan ng  San Pedro City,  sa brgy Calendala, Sta Rosa City na matatagpuan sa ground floor ng Victory Mall, Calamba City ,sa brgy halang hectan building,  Sta Cruz Laguna sa MH Del Pilar St.Poblacion , Biñan City sa Brgy Sala,at sanSan Pablo  City na matatagpuan sa Maharlika Highway ,Dizom Building.

Ayon sa Governadora ang mga nabanggit na aksyon center ay magsisilbing extension office ng kapitilyo at dito maaring dalhin ang mga requirement ng mga tao na nangangailangan ng tulong tulad ng burial , medical at financial assistant , at libreng gamot. May libre din pamatid uhaw,tinapay at delicacies ng laguna upang sa gayun ay matulungan na din ang mga maliliit na negosyante at maipakilala ang kanilang mga produkto.

Sa mga nagnanais ng makakuha ng libreng gamot reseta at ID lamang ang kailangan paalala ni gob Sol , sa Medical Assitance naman ay ID ng pasyente/  beneficiary, Medical Certificate /Clinical Abstract, Hospital Bill/ Final Bill ay Certificate of Indigency. Sa mga namantayan naman ay ID,Funeral Contract, Registered of Death Certifcate at Indigency.

Layunin ni Gob Sol na ilapit ang serbisyo ng Gobyernong MaySolusyon sa buong lalawigan ng Laguna, ng sa gayun maiwasan na ang dalamhati ng mahabang pila mahal na pamasahe ,at malaking oras na ginugugol sa pagpunta sa kapitolyo.( Lynn Domingo)



Post a Comment

Previous Post Next Post