AKAY ni SOL Mobile Botika , Umarangkada na rin sa apat na Bayan ng Laguna






San Pedro City, Laguna — Sabay-sabay na umarangkada ang AKAY ni SOL Mobile Botika , isang proyektong pangkalusugan ng Akay ni Sol Partylist,Ika-9 ng Hulyo, sa mga lungsod ng San Pedro at Cabuyao, at mga bayan ng Pila at Nagcarlan sa lalawigan ng Laguna. 

Nagpasalamat naman si Laguna Gov. Sol Aragones sa AKAY ni SOL Mobile Botika ng Akay Party list dahil tugma aniya ito sa kanyang adbokasiya na pahalagahan ang kalusugan.

Inimbitahan ng Akay Party list si Gobernadora Sol para saksihan ang paglulunsad ng proyekto.

Layunin ng inisyatibong ito na mamahagi ng libreng maintenance medicine sa mga nangangailangan, lalo na sa mga senior citizens. 

Kasama sa proyekto ang mga doktor at pharmacists na tumutulong upang matiyak ang tamang gamot at konsultasyon para sa bawat pasyente. 

“Hindi dapat problemahin ng ating mga kababayan, lalo na ang mga nakatatanda, kung saan kukuha ng gamot para sa kanilang high blood, diabetes, o iba pang maintenance needs". 

Kaya naman, deklarasyon ni Governor Aragones, isusulong din ng pamahalaang panlalawigan na magtayo ng mga permanenteng Botika ng Bayan sa bawat bayan at lungsod ng Laguna upang mas maging accessible ang gamot para sa lahat.

“Sa ngayon, mobile pharmacy muna tayo. Pero hindi dito nagtatapos – ang layunin natin ay magkaroon ng sariling AKAY ni GOB Botika ang bawat LGU,” ani pa ng gobernadora. 

Sa unang araw pa lamang ng operasyon, tinatayang mahigit 5,000 residente ng mga nabanggit na lugar ang napagsilbihan ng unang bugso ng programa. 

Ang AKAY ni GOB Botika ay patunay ng pagtutok ng kasalukuyang administrasyon sa kalusugan ng mga Lagunense, na itinuturing ni Gov. Sol bilang isa sa pangunahing priyoridad sa kanyang panunungkulan.

Dumalo rin sa okasyon si Dr. Odie Inoncillo, OIC ng Provincial Health Office at pinaalalahanan niya ang lahat na inum8n ang kabilang maintenance medicine araw araw.

Malaking bagay aniya ang libreng gamot para sa mga Lagunenses.

Via: Lynn Domingo


Post a Comment

Previous Post Next Post