Alaminos Laguna-Tatlong mga suspek sa kaso ng pamamaslang sa isang lalaking taga Lipa City ang nadakip matapos ang mga ito ay mapa-engkwentro sa mga pulis sa Brgy. Arawan, San Antonio, Quezon, nitong Huwebes ng umaga. 
Kinilala ang mga suspek na sina Aniceto, 39 taong gulang, taga-Brgy. Tactac, Balayan, Batangas; Gonzalo, 38 taong gulang, taga-Brgy. Sambat, Balayan, at Jay-R 38 taong gulang, taga-Brgy. Arawan, San Antonio, Quezon.
Ayon sa report ng San Antonio police, dakong 10:45 ng umaga nang magsagawa ng follow operasyon ang kanilang mga tauhan kasama ang mga miyembro ng Alaminos Municipal Police Station kaugnay kaso ng pamamaril na nangyari nitong Huwebes, Hunyo 10, 2025, sa Lipa-Alaminos bypass road sa Barangay Santa Rosa, Alaminos, Laguna kungsaan ang biktima ay ang 23-anyos na si John Hubert Cruz, 23 , na taga Tambo Lipa City na natagpuang nakahanadusay at tadtad ng tama ng bala sa gilid ng highway.
Sa isinagawang operasyon sa San Antonio, Quezon, nilalapitan ng mga pulis ang mga suspek na sakay ng isang kotseng Toyota Corolla na may plakang UFX 827 nang bumaba ang suspek na si Aniceto at bumunot ng kalibre .9mm na armas at saka pinaputukan ang mga operatiba.
Dahil dito, napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok, na nagresulta sa pagkakabaril ni Decepeda sa kanang braso na tumagos sa dibdib. Kaagad namang nadakip ang dalawa pang kasama nitong suspek.
Walang naiulat na nasugatan sa panig ng mga pulis samantalang dinala sa isang ospital sa San Pablo City , Laguna, si Aniceto para malapatan ng lunas ngunit namatay na din ito.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at ng mga taga Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangyayari.
Inaalam pa rin ang motibo ng mga ito sa pagbaril sa biktima.
Via Lynn Domingo
Post a Comment