Ginanap ang Press Conference ng Calambagong buhayani festival 2025 noong ika-3 ng Hunyo kasabay ng pagpapakilala at sashing ng 20 Binibini at 19 ginoo na rumapa sa harap ng mga mamamahayag sa kanilang casual na kasuotan.
Ang Ginoo at Binibining Calamba ay muling ibinalik 9 na taon na ang nakakaraan , naglalayon ito na maipakita ng mga kabatatang kalahok ang kanilang mga talento at adbokasiya upang maging bahagi ng LGu sa pagsulog ng kanilang bayan.
Ayon sa mensahe ni Mayor Roseller H. Rizal nabinahagi ni City Administrator Johnny Pamuspusan, na ang mga kabataan sa kanilang murang idad ay mamulat sa mga ipinakitang kabayanihan ni Rizal at gawin nila ito sa araw araw na buhay lalo na ang pagtulong sa mga nangangailangan.
Inilatag naman ng City Tourism sa pamamagitan ni Engr. Maolen Karla Boholano ng Calamba City Cultural Affairs,Tourism ang Sports Development ang mga magiging aktibidad at programa na nagpapakilala ng "tatak Calambeño" kasama na dito pagpapasikat ng mga lokal na pagkain ,maging ang mga resort na maaring puntahan.
Sa June 9 ay magpapaligsahan ng talino at galing ang mga piling mag aaral sa elementary, highschool at college level na may temang "Talinong Rizal"
Aasahan ang pakikiisa ng mga taga Calamba sa gaganaping Street Dancing showdown sa June 13, na pinaglaanan nag malaking halagang papremyo.
Tampok din sa programa ang pagpili ng batang Rizal, Kabataang Rizal at Mamang Rizal .na pawang taga Calamba.
Higit na natulungan ang mga MSME o ang mga negostante na nabigyan ng pagkakataon naipakilala ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng pagsali sa trade Fair, na gaganapin sa June 12-13
Pagkakataon na din ng mga kompanya na makapagbigay ng hanapbuhay sa mga taga calamba sa pamamagitan ng trade fair sa June 17 sa Sm City Calamba at sa araw ding ito makokoronahan ang tatanghaling Ginoo at Binibining Calambeño 2025
Sa mismong ika -164th kaarawan ni Dr. Jose Rizal ay magaganap ang Oath Taking Ceremony ng mga official na nanalo kasabay ng pag aalay ng bulaklak sa pambansang bayani ng kanilang bayan,
Via: Lynn Domingo
Post a Comment