LAGUNA - Tinugon nga ang bawat panalangin ng mga miyembro ng Jesus Christ Good Shepherd Savior and Lord Church o JCGS Church Nagcarlan lalawigan ito na magkaroon ng magandang panahon kahapon
Matapos nga ilang araw ang nakalipas na pag-ulan na nauwi pa sa pagka-anod sa tulay na kahoy ng Brgy.Bayate sa bayan ng liliw. Kung saan dito nga isasagawa ang kanilang Sportsfest for a Cause
Ito ay may temang "Unite to Ignite: One Goal, One Cause na hango naman sa biblliya sa Ecclesiastes kabanata apat talata siyam.
Ayon kay Ptra.Hanna DL.Jovellano at Ptr.Renato "Dudon"Jovellano layunin ng programang ito na makalikom ng kaukulang pondo para sa pagsasa-ayos ng Jcgs Church. Dahil nga sa patuloy na pagdami ng dumadalo dito.
Naging matagumpay naman ang Sportsfest na ito dahil hindi lamang nalinang ang angkin husay nila sa palakasan maging ang pagpapatatag ng pananampalataya ng bawat isa dahil sa Pangunoon Diyos.(Kevin Pamatmat)
Post a Comment