Pagkatapos ng pagiging abala ni Congressman Loreto Amante matapos ang kabi- kabilang schedule bilang muling nahalal na Representative ng ikatlong distrito ay nagkaroon din ng peoples day ika 26 ng Hunyo, sa Fule Mansion na naging kanyang opisina ng ilan taon.
Ibat- ibang grupo ang dumating at matyagang naghintay ng kanilang pagkakataon upang makaharap ang Congressman, may mga ibat- ibang kadahilanan nagpapatunay ng malapit na relasyon na nabuo nito sa ikatlong Distrtito ng Laguna.
Isa sa dumalo at pinili na sa kanya ay manumpa ay ang officer ng Saint Paul Cooperative Union na pinangungunahan ni Gng Lourdes Bravo, presidente ng grupo.
Ang nasabing grupo ay binubuo ng 27 na kooperatiba mula sa ibat- ibang sektor sa kalakalan ng San Pablo City.
Maging ang ibat- ibang grupo ng kababaihan na nag mula pa sa Calauan Laguna ay nakita din ng araw nayon kasama ang kani- kanilang opisyales,tanda ng pagtitiwala nila kay Cong Amben na lagi nakaalalay sa kanila.
Hindi rin mapigilan ang mga opisyales ng PAMANA, Pagkakaisa ng mamamayang nakatatanda,bagamat ang ilan ay nakatungkod na,masaya silang nag intay upang makadaupang palad nag kanilang idolo na mula noon hanggang ngayon ay patuloy na nagmamahal sa senior citizen.
Samantala ipinahayag ni 3rd District Congressman Amben Amante ang kanyang suporta sa mga grupo at individual na kanyang hinarap ,kasama sa kanyang adbokasiya na ipagpatuloy ang pagpapaunlad sa ikatlong distrito at pagtulong sa mamamayan na kanyang nasasakupan.
Katuwang ang kanyang asawa na si Madette Hanolino Amante ,sa walang humpay na pamamahagi ng mga tulong medikal na pumunta ng araw na yun,kasama ang libreng gamot at maintenance na tanging reseta lang ang kailangang ipakita.
Via: Lynn Domingo
Post a Comment