Sa kauna unahang pagkakataon nagkasama- sama ang 46 na NGO sa lunsod ng San Pablo sa ilalim ng isang Federastion ,ito ay ang San Pablo Unified Alliance Federation (SPUAF) na itinatag ni PEMS Edwin De Mesa kasalukuyang PESPO ng Laguna Police Provincial Office, Sta Cruz Laguna.
At nitong araw ng Sabado sa pamamagitan ni Arvin Magcawas at mga official ay matagumapay na nairaos ang kanilang kauna - unahang Drug Awareness Seminar sa pamamagitan ng PDEG Camp Crame, tinalakay ang ibat- ibang uri ng mga ipinagbabawal na gamot at epekto nito sa katawan ,ganun din ang mga alituntunin ng batas patungkol dito.
Sa pangunguna ni PLTCOL REDENTOR G TIRAÑA, hepe ng San Pablo City police station at pakikiisa ni PCOL RICARDO DALMACIA, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ay naipakita ng hanay ng kapulisan ang kanilang suporta sa Drug Campaign at pagpapahalaga sa mga force multifier, hindi matatawaran ang kanilang bolunterismo para sa kapakanan ng bayan.
Naging Pangunahing tagapagsalita si hepe Tiraña na nagpahayag ng kahalagahan ng edukasyon ataagang.interbesyon upang mailayo lalo na ang mga kabataan sa kapahamakan.Aniya ang laban kontra droga ay hindi lamang laban ng kapulisan kundi laban ng buong sambahayanan. Maging si PD Dalmacia ay nagpahayag din ng maigting na pagsuporta at pagpapahalaga sa mga NGO .
Tiniyag ni CACG sa pangunguna ni Chairman Elmer Bernardo napatuloy patuloy itong makikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan upang maisulong ang kanilang misyon na makabuo ng isang ligtas at produktibong lipunan para sa bawat mamamayan.
Samantala ipinakita ni Rondel RD Diaz ang kanyang pagsuport sa adbokasiya ng Federation ,kasama si Konsehal Barbie Diaz anu man ang pangangailangan ng grupo ay patuloy silang tutulong
Post a Comment