BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG CALABARZON PBGEN JACK WANKY ITINALAGA NA.


Camp Vicente Lim- Pormal ng ginanap ang turn over ng Chain of Command noong ika  -20 ng Hunyo ,2025 sa pangunguna ni Presiding Officer PBgen Melencio Nartatez, sa pagitan nina outgoing PBGen Paul Kennet Lucas at PB gen Jack Wanky sa harap ng mga oficial ng CALABARZON PNP sa Camp Vicente.Lim Calamba City.


Naging madamdamin ang salita ng pamamaalam ni Regional Director  Lucas ,dahil sa dalawang taon ng kanyang tungkulin sa Region 4-A bilang aman ng kapulisan ay marami syang  naging kaibigan,  ipinaabot nya ang pasasalamat sa lahat ng nakasama nya na naging malaking bahagi ng kanyang buhay. Hwag kayong malungkot ang mga ginawa ko ay ala-alang iiwan ko sa inyo aniya..  Naging tampok din ang Video Representation ng pinagsama-samang accomplishment sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Samantala ayon naman kay incoming Regional Director na si PBGeneral Jack Wanky  saludo siya sa kahusayan ni Lucas kaya naman nais nyang higitan pa eto , tutukan din nya  ang  quick response program ng Chief  PNP  at madagdagan pa ang mga strategies  sa implementation ng anti criminality   upang makuha ang tiwala ng mamamayan sa bagong Reginal Director ng CALABARZON.( Lynn Domingo)

Post a Comment

Previous Post Next Post