Pagdiriwang ng ika 164 na kaarawan ni Dr. Jose Rizal naging makulay at makabuluhan,

 

 Calamba City-Pagkatapos ng pag aalay sa rebulto ni  Dr. Jose Rizal sa City Plaza ng mga kawani ng Lgu  ng Calamba  bilang  pag alala sa  kanyang ika- 164 na kaarawan, ay pormal naman na nagkaroon ng programa sa Rizal Museum na dinaluhan ng ibat- ibang grupo ,NGO  mga prominenteng tao at mga local official.
 
Pinangunahan ni City Mayor Ross Rizal, at Vice Mayor Toti Lazaro, at mga miembro  ng  Sangguniang Panlungsod ,  Congresswoman Cah Hernandez at Laguna Governor Ramil Hernandez ang seremonya ng pag aalay ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose Rizal bilang pag alala sa kanyang kabayanihan na karaniwang ginagawa sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan na parte pa din ng aktibidad ng Buhayani Festival.

The kaganapan ay may temang "Angat ang Lahing Calambeño, Dangal ng Bayan, Alay sa Mundo," 
na tumutukoy sa naiwang legasiya ni Rizal ,nagsisilbing inspirasyon sa mga taga Calamba na buhay na bayani. Naging pagkakataon na din na masaksihan ng madla ang panunumpa ng mga kawani ng gobyerno  na mga.nahalal sa nakaraang eleksyon

 Sa mensahe ng Alkade ay 
binigyang-diin ang kahalagahan ng buhay at trabaho ni Rizal bilang patuloy na mapagkukunan ng inspirasyon para sa mga kabataan. Hinikayat niya ang mga mag-aaral na tularan ang mga mithiin ni Rizal ng pagiging makabayan, intelektwalismo, at hindi natitinag na pangako sa katarungan at reporma.

  Ang pagdiriwang ay nagsilbing isang makapangyarihang paalala sa mga makabuluhang kontribusyon ni Rizal sa bansa at ang kanyang patuloy na impluwensya sa paghubog ng pagkakakilanlang Pilipino.

Kitang kita ang kahusayan ng hukbong Sandatahan katihan ng Jungle fighter 2nd Infantry Division mula sa entrance of colors, pag alalay sa pag aalalay ng bulaklak ,gun salute hanggang sa exit nila ,nagsilbing isang attraction ang kanilang performance na bahagi ng programa, Maging ang mga kapulisan ng Calamba City Police Station ay umalalay din upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa okasyon.( Lynn Domingo)


Post a Comment

Previous Post Next Post