CAVITE at PARAÑAQUE – Bilang bahagi ng suporta ng pribadong sektor sa edukasyon, namahagi ang Metro Pacific Tollways South (MPT South) ng 900 school kits sa mga pampublikong paaralan sa Cavite at Parañaque mula Hunyo 9–11, 2025, kasabay ng paglulunsad ng Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) na may temang “Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa.”
Ang inisyatiba ay bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) program ng MPT South na nakatuon sa mga sektor ng edukasyon, kalikasan, kaligtasan sa daan, at kabuhayan ng komunidad.
Ang mga estudyante mula sa mga lungsod at bayan ng Imus, Silang, General Trias, Kawit, Bacoor, at Parañaque ay tumanggap ng school kits na naglalaman ng ballpen, notebook, pad paper, crayons,at plastic envelope—mga pangunahing gamit para sa nalalapit na pasukan sa school year 2025–2026.
Kabilang sa mga paaralang nabigyan ng tulong ay ang Alapan II-A at II-B Elementary Schools sa Imus, Tibig Elementary School sa Silang, Cecilio M. Saliba Elementary School at Governor Ferrer Memorial Integrated National High School sa General Trias, Florante Ilano Elementary School sa Kawit, Sto. Niño at San Dionisio Elementary Schools sa Parañaque, at Salinas Elementary School sa Bacoor.
Itinampok ang turnover ceremony sa Salinas Elementary School noong Hunyo 11, kasabay ng opisyal na pagbubukas ng Brigada Eskwela sa Bacoor. Pinangunahan ito ni Congresswoman Lani Mercado Revilla, na nagpasalamat sa MPT South sa kanilang suporta:
“Malaking tulong ang inyong pakikiisa sa paghahanda ng ating mga paaralan para sa ligtas at maayos na pagbabalik ng mga mag-aaral. Sama-sama, tulong-tulong para sa mga paaralan ng Bacoor,” aniya.
Ayon naman kay Arlette V. Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPT South:
“Sa bawat kilometro ng aming expressway, dala namin ang layunin na mas mapalapit ang oportunidad sa mga Pilipino—at bahagi nito ang edukasyon. Ipinagmamalaki naming maging bahagi ng Brigada Eskwela.”
Ang MPT South ay subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang operator ng mga pangunahing expressways gaya ng CAVITEX, CALAX, NLEX, SCTEX, at CCLEX.
Post a Comment