Sinimulan sa makulay sa makulay na parada na dinaluhan ng ibat-ibang grupo at individual ang selebrasyon ng Pride Month2025 na pinangasiwaan ni City Councilor Angie Yang, katuwang ang Peer Advocates for Sexual Health Awareness, Kaya Natin Youth, Kaisa, at iba pang samahan na nagsusulong ng karapatan ng LGBTQIA na community ginanap sa Central School Gymnasium araw ng Sabado ika -28 ng Hunyo,
Sa pamamagitan ng makukulay na bandila,makapangyarihang layunin at matatag na pagkakaisa, sa pangatlong pagkakataon muling pinatunayan ng Sanpableno na walang puwang ang diskriminasyon sa isang lipunan na may malawak at pantay na paglingap maging anu o sino ka man. Ipinakikita ang tunay na malasakit sa kapwa.
Kaisa ang ibat- ibang sektor ng lipunan at LGU,sa pamamagitan ng pagdalo ni Vice Mayor Justin Colago, City Councilor Carmela Acebedo, at Hon. Barbie Diaz, SK Chairman President Ace Villanueva, at Board Member Angelica Jones Alarva ,patuloy na itataguyod Adbokasiya ng LGBTQIA+ at itataas ang kanilang tinig at karapatan sa lipunan.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang ilang mga kasamahan may talento sa paggawa ng mga accesories at mga pagkain na naglagay ng booth ,pagkakataon upang kumita at ma promote ang kanilang mga produkto.
Nagbigay ng ngiti at kasiyahan ang ginawang paraffle ni konsehala Angie sa lahat ng dumalo sa kaganapan.
Live Love, Love Proud ang sigaw ng mga kabataan at mga allies na syang tema sa ginawang Pride Festival 2025 sa lunsod ng San Pablo
via: Lynn Domingo
Post a Comment