Serbisyo ni Cong Amben nakalaan para sa lunsod ng San Pablo at sa Ikatlong Distrito ng Laguna


Laguna -Siyam na araw matapos ang election ay tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo ni Congressman Amben Amante sa mga mamamayan ng 3rd District ng Laguna matapos ang kanyang muling pagkakahalal sa puwesto. 


Mas dumagsa ang mga tao na lumalapit sa kanya tuwing araw ng Huwebes na itinakda bilang kanyang "People's Day," nasadyang nilaanan nya ng oras upang isa- isang harapin at tugunan ang mga inilalapit na pangangailangan maging ito man ay indibidwal o grupo na nagmula pa sa ibat-ibang bayan sa Ikatlong Distrito ng Laguna.
 
Matatandaan na si Congressman Loreto Amante ay muling nahalal bilang kinatawan ng 3rd District ng Laguna sa ikalawang pagkakataon, kung saan nakakuha siya ng nakakagulat na 238,140 boto laban sa kanyang katunggali na si Empemano na nakakuha lamang ng 28,730 boto sa nakaraang National and Local Election.
 
"Patuloy akong maglilingkod sa ating mga kababayan sa 3rd District. Hindi magiging hadlang ang pagtatapos ng eleksyon sa aking pangakong pagbibigay ng tuloy-tuloy na serbisyo," pahayag ni Cong. Amante sa gitna ng pakikipagpulong sa mga constituent.
 
 Isusulong nya ang panukalang batas patungkol sa mga special chils ng isang lugar para sa mga ito na mag aaruga kung sakaling mawala ang kanilang mga magulang, tuloy tuloy din ang kanyanb serbisyong medical isa na dito ang walang tigil na pagbibigya ng libreng gamot sa kanyang opisina na ang tanging kailangan ay ang reseta galing sa doktor

 Sa bawat peoples day nya ay katuwang ang kanyang asawa na si kapitana Madette Amante, bagamat busy sa pagiging kapitan ng baranggay ay naglalaan ng oras matulungan lamang ang kongresman.

Sa ngayon ay hindi lamang si Cong Amben ama ng ikatlong Distrito kundi maging ng lunsod ng San Pablo kung saan matatagpuan ang isa nyang opisina.

Via: Lynn Domingo

Post a Comment

Previous Post Next Post