Binisita ni Senator Bam Aquino ang Pakil Laguna upang makibahagi ng kanilang ipinagdiriwang na Turumba Festival at magkaroon ng pagkakataon na maipakilala ang sarili sa mga pakilenyo noong ika -2 ng Mayo ,2025
Mainit ang ibinigay na pagtanggap ni Mayor Vince Soriano sa senador na direktang inindorso upang muling ibalik ang ito sa senado.
Matatandaan na si Senator Bam Aquino ay naluklok sa senado taong 2013 hanggang 2019 at nakapagpasa ng batas na libre pag aaral sa senado taon 2017,
At saka kanyang pagbabalik nais nya na apat na taon maging scholar ang mga nasa kolehiyo na may matatanggap na allowance na pabaon o pambili ng mga pangangailangan nila. At sa kanilang pag graduate ay gusto nya na hawak na ang diploma at job order , daan upang iaangat ang antas ng buhay ng bawat pamilya .
Ipinangako din nya ang pagsuporta sa planong pagtatayo ng PUP sa Pakil Laguna sa likod ng Municipal Hall. Naniniwala sya sa ganda ng edukasyon ng nasabing itatayong eskwelahan na makakatulong hindi lamang sa lugat ng Pakil kundi sa buong Laguna at mga karatig nitong Bayan.
Via: Lynn Domingo
Post a Comment