San Pablo City- Halos binalot ng kulay pula ang plaza ng San Pablo City sa naganap na Grand Rally ni Aspirant Laguna Governor Sol Aragones, araw ng Sabado Ika- 3 ng Mayo, libong libong katao na nagmula pa sa ibat-ibang bayan sa Laguna ang dumalo upang suportahan ang kandidatura nito, 
Kitang kita ang puso ng isang anak na sumusuporta sa adhikain ng nanay ng ipakilala ni Anika ang kanyang ina na si Sol Aragones. " Pangarap ko po maging ina ng Laguna ang aking ina. Lagi po nya iniisip ang pagtulong sa tao bago ang kanyang sarili, tulungan nyo po na manalo ang ina ko"aniya.
Bukod sa mga kilalang banda na umaliw sa mga supporters tulad ng Salbakuta ay dumating sina Cong Rodante Marcoleta ,Atty Vic Rodriguez , kinatawan ni Senator Bong Go,at Willie Revillame na may iisang layunin, ang magkaroon ng magandang health program para sa mamamayan ng laguna, maayos na social services at alisin ang corruption sa bansa.
Ipinakita ni Rizal Laguna Vice Mayor Antonino A Aurelio ang kanyang buong suporta hindi lamang kay Sol Aragones na malapit nyang kaibigan maging kay Aspirant Vice Governor Pewee Perez at sa Akay Partylist na bida din sa naganap na rally.
Umalingaw ngaw ang palakpakan matapos marinig ng lahat ang puso ng isang Sol Aragones na minsan ng natalo sa laban , ngunit hindi timigil sa pagtulong sa kapwa, Laban Sol ang sigaw ng mga tao na mga naka kulay pula simbolo ng tagumpay ng kanilang minamahal na gobernadora.
Via Lynn Domingo
Post a Comment