Atty Melvin Matibag ,humarap sa media upang isiwalat ang mga katiwaliang nagaganap sa San Pedro Laguna

Noong nakaraang Martes Santo ay humarap sa mga media si Atty Melvin Matibag upang ipaalam sa mga taga San Pedro ang  mga ibat- ibang katiwaliang nagaganap sa kanilang bayan 

Isa na dito ang tangkang pagbili ng property ng gobyerno sa baranggay Langgam na ang sukat ay 1243 square meter na ang original na presyo na gusto nilang ereport ay 45 milion 170 thousand  na lumalabas na 37,500 bawat square samantalang ang pinakamahal.na lupa sa lugar na yun ay nasa 6000 per sqm lamang ,

Dahil sa pagtutol ng ng isang konsehal na si lonlon Ambayec ay natuklasan din na maraming kulang na dokumento  tulad  ng certificate of availability of fund. wala ang report ng accesor ,wala din nangayaring beading na naging dahilan ng pagkabinbin ng transaksyon.

Matatandaan na ganito din ang sitwasyon sa binili nilang lupa sa Landayan ,na sinasabi na hindi pwede ang ginawa nilang pagbili dahil walang naging acredited appraiser at walang nangyaring beading ,na ngayon ay pinag aaralan na ito ng COA ,kasama na ito sa Audit of Memorandum.

Kung kayat nananawagan si Atty Melvin bilang abogado sa mga Mayor at Vice Mayor maging sa mga opisyal ng gobyerno  ng San Pedro ,na magpaliwanag sa taong bayan, bakit ganito ang kamahal ang presyo ng mga binibiling lupa ,bakit bumibili ng mahal na lupa at saan ito gagamitin.

Hindi po ako naninira, hawak ko ang 25 document, Audit of Memoramdum ng COA,  The document speak for itself" ani Atty Melvin, maging ang  371 Million cash advance noong 2024 in one year hawak nya na may COA na may AOM ,ginamit ang GAD,ang calamity fund tapos mangungutang na naman ng 200 million.dagdag pa nya.


Samantala sa pangunguna ni ABC kapitan Ynion ay nagfile na ng mga resolution laban sa Prime water na pinapirmahan sa mga kapitan na sa ngayon ay ang pumirma lang ay ang mga kapitan na nasa hanay ni Kongresman Ann Matibag, Bagamat panahon ng eleksyon ,ayon kay Atty Melvin ang usaping ito ay para sa kapakanan ng  mamamayan ng taga San Pedro .

"
Sa kabilang banda ay willing naman na makipagtulungan si Mayor Art Mercado kung talagang may inihain ng petition laban sa prime water.

Idinagdag din ng mambabatas na sa kanilang pag ikot upang mangampanya ay kita nila na matibay naman ang suporta ng San Pedronian sa kanilang Team Zero Corruption , Atin ang Magandang Bukas sa pangunguna ng.kanyang asawa na si kongreswoman Ann Matibag.(lynn Domingo)








Post a Comment

Previous Post Next Post