SENATOR BONG GO, BINIGYAN NG PARANGAL BILANG MOST OUTSTANDING PUBLIC SERVANT SA WORLD CLASS EXCELLENCE JAPAN AWARDS 2024!



Walang kupas ang serbisyo—kahit may award o wala, tuloy ang malasakit! Iyan si Senator Kuya Bong Go, hindi napapagod sa pagsasagawa ng programa para sa kalusugan at kapakanan ng kanyang mga kababayan.

Dahil sa kanyang mga pagmamalasakit siya ay binigyang parangal at personal na dumalo si Senator Bong Go sa World Class Excellence Japan Awards na ginanap sa The Heritage Hotel, Manila noong April 10 para tanggapin ang pagkilalang Most Outstanding Public Servant. Sa kanyang mensahe, ibinahagi niya ang kahalagahan ng sakripisyo, malasakit, at dedikasyon sa tunay na serbisyo publiko.

Hindi lang ito award para kay Mr. Malasakit. Para sa kanya, ito ay simbolo ng tahimik pero totoo at pusong paglilingkod sa kapwa.

“Receiving the award is not just a symbol of recognition. It is a reminder of the responsibilities we are carrying as public servants… My heart will always be in genuine public service, quietly working on the ground,” ani Senator Go.

Mula Senado hanggang sa mga komunidad, walang patid ang malasakit ni Senator Bong Go. Kahit ilang beses pa siyang kilalanin, isa lang ang kanyang mission: ang maglingkod ng buong puso para sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.
(Pau Dela Cruz)

Post a Comment

Previous Post Next Post