SWIFT WATER RESCUE TRAINING, ISINAGAWA NG BFP LILIW LAGUNA; ILANG TIPS UPANG MAIWASAN ANG PAGKALUNOD NGAYONG BAKASYON TINALAKAY.



LAGUNA- Ngayon papalapit na ang semana Santa o Mahal na Araw ay kanya kanyang gimik upang mapawi ang  init na nararamdaman.


At karamihan naman sa ating mga kababayan ay nagtutungo sa batis at maligo nga sa ilog na nauuwi naman sa pagkalunod.

Kaugnay nito, nagsagawa  ng Swift Water Rescue Training ang BFP Liliw sa pangunguna ito ni F/Ins.May S.Quincena sa Balidbirin river Brgy.Calumpang Liliw Laguna.

Sumalang naman sa pagsasanay ang bawat Isa kung papaano ang tamang pagsagip sa nalulunod, at kung paano isalba ang buhay sa gitna ng sakuna sa tubig.

Sumalilalim din ang grupo ng TODA Rescue sa river crossing, first aid, wading technique, defensive and aggressive rescue swimming, at cardio pulmonary resocitation o CPR.

Itinuro rin dito ng mga eksperto ang ilang Tips upang maiwasan ang  tiyak na pagkalunod :

,1.Designate a water watcher. Kailangan may nagbabantay sa mga naliligo 

2.Avoid Alcohol- iwasan ang mag-inom ng anumang nakakalasing na inumin.

3.Use Body System- dapat may kasama ka habang naliligo 

4.Swim in Designated Area maligo lamang  sa tamang lugar .

5.Supervise closely -bantayan at huwag hayaan maligo ng mag-isa ang mga batang maliit 

Higit sa lahat, laging manghingi sa Panginoon ng Kanyang gabay at seguridad sa ating mga paglalakbay.(Kevin Pamatmat)

Post a Comment

Previous Post Next Post