San Pablo City-Ginanap noong ika-14 ng Abril.ang Paglulunsad at Turn- over ng 2023 Seal of Good Governance of Local Goverment - Incentive Fund(SGLG-IF) Demo Farm sa Brgy San Jose - San Ignacio San Pablo City.
Ang programa ay pinangunahan ni City Admin Larry Amante ,na buong pusong nagpasalamat sa mga bisita na ang iba ay nagmula pa sa Provincial Office ng Laguna, Ayon sa kanya ang Agrikultura ang pangunahing proyekto sa lunsod ng San Pablo.
Bukod kay DILG officer Maria Alma Barrientos, dumalo din si Regional Director Ariel Iglesia at Provincial Director Jay Beltran, at mga Department head kabilang na ang Department of Agriculture officer na si EJ Delgado.
Sa ika-apat na pagkakataon ay nakuha ng San Pablo City ang SGLG- IF na ang pondo ay inilaan upang mapaunlad at mapalawak ang Agrikultura sa lunsod ng San Pablo. Nagpapatunay lang ito na kinikilala ng ama ng lunsod na si Mayor Vicente Amante na ang larangan ng pagsasaka ay mas dapat pagtuunan ng pansin .
Ang Demo Farm Project ay bunga ng award ng lunsod ng San Pablo City, SGLG 2023, inaasahan na mas magiging malawak ang kaalaman at pagkakakitaan ng mga farmer sa ilalim ng pamamahala ng Department of Agriculture, magiging mas madali ang lahat sa pamamagitan ng mga makabagong teknologiya tulad ng paggamit ng Solar Power Irigation System at green house na kayang magproduce ng crop sa buong taon.
Ayon kay DA Director EJ Delgado maari magamit ng mga magsasaka o mangingisda ang serbisyo ng Demo Farm kinakailangan lamang na magsadya sa kanilang tanggapan at ipatala ang grupong kinakaaniban sa City Agriculture,(Lynn Domingo)
Post a Comment