Dating DILG Secretary Benjur Abalos ,Bumisita sa Laguna



Pila Laguna-Pagkatapos ng pagbisita ni Senatorial Candidate  Benhur Abalos, kay Mayor Cesar Areza noong ika,- 9 ng Abril ng Pagsanjan Laguna upang ibahagi ang kanyang plataporma ay nagtungo naman sya sa  Sta Cruz at nakasama si 4th District Representative Jam Agarao na kanyang kaalyado sa Distrito na nagbigay din ang buong pusong pakikiisa sa adbokasiya nyang dala- dala lalo na sa programa na pumapabor sa mga magsasaka ng Lalawigan ng Laguna.

Sinalubong naman si Abalos, ng Municipal Mayors League sa Pila Laguna na kung saan ay nagkaroon sya ng dialogue sa pangunguna ni Mayor Egay Ramos na pangulo ng LMP

 Sa pakikipag - usap ng dating DILG Secretary sa mga Alkalde naging paksa ang patungkol sa kung papano mapapalakas ang sektor ng sakahan.

Nakatuon si Abalos sa mga programa kung papano mapapalakas ang usaping agrikultura , isa na dito ang pagsulong sa pag amienda sa Rice Tariffication Law( RTL) upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga magsasaka.

Maging ang NFA ay kinakailangan payagan na bumili ng palay sa mga Farmer upang ibenta ito ng mura halaga sa publiko

Naniniwala si Abalos na dapat pakinggan at tulungan ang grupo ng farmers ,upang magpatuloy ang seguridad ng supply ng pagkain sa bansa.
Iginiit din nya ang pagbabawas ng buwis sa mga ito at pagpapalawak ng crop insurance coverage,at pagpapautang ng walang tubo ,magkaroon ng puhunan na pangunahing kailangan sa usaping farming.

Maging ang land conversion ay kinakailangan balansihin , isa itong sensitibong bagay pagdating sa lalawigan ng Laguna , dahil na unti- unti ng nababawasan ang lupang sakahan. Nais nya na higpitan ang polisiya patungkol sa pag aapruba sa aplication patungkol dito.

Kasama sa nagpakita ng suporta kay Senator Benjur Abalos ang mgaAlkalde ng Laguna tulad ng Calauan,
 Pila, Paete,Liliw, Siniloan,
Majayay, Mabitac, Pangil, Cavinti at Lumban, Kung kaya naman lubos ang pasasalamat ng dating DILG Secretary sa inilaan ng mga itong oras para sa kanya.

Samantala tinalakay naman ang kahalagahan ng kuryente lalo na sa farming industry kung kaya ang unang -una nyang ipapasang batas  ay tanggalan ng eto ng Tax dahil ang electricity ang may malaking ipinapatong na mga charges.(Lynn Domingo)

Post a Comment

Previous Post Next Post