Nagkakaisang Alyansa sa bagong Pilipinas,ginanap sa Laguna ,Libo libo ang sumuporta



Sta Rosa-  Sa pamamagitan ng pamahalaang lokal ng Sta Rosa sa pamamagitan ni Mayor Arlene Arcillas ay naging matagumpay ang ginanap na  Alyansa sa Bagong Pilipinas na dinaluhan ng ibat- ibang persobalidad sa Politika national at lokal na ginanap sa East Bloc, Nuvali Sta Rosa noong Ika- 22 ng Marso.

Sumuporta sa rally ang halos lahat ng Mayor sa Laguna kasama na si Mayor Vicente Amante at Mayora Gem Castillo Amante kasama ang third District Representative Cong Loreto Amante

Ang Alyansa ay koalisyon ng limang partido eto ay ang  Partido Federal ng Pilipinas,(PFP) National Peoples Coalition ( NPC), National Unity Party(NUP) Lakas- Christian Muslim Democrats (CMD), at Nationalista Party (NP)

Sinimulan ang kaganapan sa isang presscon na dinaluhan nina  Senatorial Candidate Abby Binay, Ping Lacson, DILG  Secretary Benhar Abalos, Erwin Tulfo,  Francis Tolentino at Tito Sotto na pinangunahan ng Campaign Manager na si Congressman Toby Tiangco.

Sa mga tanungan ay matapang na nasagot ang bawat tanong na nagpapakita ng suporta ng bawat isa sa agrikultura, pag sugpo sa katuwalian sa gobyerno at pag sasa ayos ng budget partikular na ang patungkol sa flood control project na kalimitang nagiging susi ng koruption.
Samantala sa naganap na rally bagamat hindi dumating si  Senator Aimee Marcos  at Las Piñas representative Camille Villar ay dumating naman sina  Senator, Lito Lapid, Manny Pacguiao, Pia Cayetano at Bong Revilla.

Sa Talumpati ng Pangulo ay isa- isang ipinanagmalaki ng Pangulo Bong bong Marcos ang  mga ka alyansa nya na may.pagmamalaki sa kahusayan ng bawat isa. at ayun din kay congressman Toby walang Planong alisin ang sinuman sa line up kahit  hindi nakadalo .

Hinimok ng Pangulo na iboto ang labing isa kaalyado na nagkakaisa sa Alyansa sa Bagong Pilipinas sa darating na halalan Mayo 12,2025.

Naging maayos at secure ang rally bagamat napakaraming dumating na nagmula pa sa ibat- ibang parte ng Laguna, malaking bahagi ng kapayapaan ang kapulisan na nagmula pa sa ibat- ibang unit sa pamumuno ng Police Provincial Director PCol Ricardo I. Dalmacia. ( Lynn Domingo)

Post a Comment

Previous Post Next Post