High Value Individual (HVI) Arestado, 734K Halaga ng Shabu Kumpiskado sa Buy-bust Operation ng San Pedro PNP



Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang High Value Individual (HVI) sa ikinasang drug buy-bust operation ng San Pedro PNP, Marso, 26, 2025.

Kinilala ni PCOL RICARDO I. DALMACIA, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Maki residente ng San Pedro City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL ROMMEL DG SOBRIDO, Officer-In-Charge ng San Pedro Component City Police Station, nagkasa ang kanilang mga operatiba ng drug buy-bust operation dakong 12:16 ng madaling araw Marso 26, 2025 sa P. Mindo St. Brgy. Cuyab, San Pedro City, Laguna, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang iligal na droga sa pulis na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ang marked money.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) na pirasong plastic sachet at dalawang pirasong plastic sachet (ice plastic)  na naglalaman hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na aabot sa 108 gramo na nagkakahalaga ng humigit kumulang PhP734,400.00, isang coin purse na naglalaman ng pera narekober din sa suspek ang isang (1) piraso ng PhP1,000.00 na ginamit na buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro Component City Police Station CCPS ang arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.”

“Nais naming ipaabot sa publiko na patuloy at mas pinaigting pa ng Laguna PNP ang mga operasyon laban sa iligal na droga. Sa pagkaaresto ng drug personality ay titiyakin namin na mananagot sa batas ang taong ito. Layunin ng Laguna Pulis na tuluyang mailayo ang lahat ng mamamayan sa masamang epekto ng bawal na gamot at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat isa." Pahayag ni PD DALMACIA. #gtgramos

#ToServeandProtect
#SaBagongPilipinasAngGustongPulisLigtasKa
#gandanglynntv
#PNPLaguna

Post a Comment

Previous Post Next Post