3.4 MILYONG PISONG HALAGA NG SHABU NASABAT NG PDEA AT PNP, DALAWANG HIGH-VALUE DRUG PERSONALITIES ARESTADO



LAGUNA- Mahigit tatlong milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat sa pinagsamang buy-bust  operation sa likod ng isang parking lot sa isang gusali sa Barangay Gatid, Sta. Cruz, Laguna. 

Naaresto ng pinagsamang mga operatiba ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 2 at Santa Cruz Municipal Police Station Drug Enforcement Unit noon March 17,2025. 

Ang dalawang suspek na itinuturong high-value drug personalities na nakilalang sina alias Leovigildo,  38, binata at si alias Allan, 45, binata, pawang nakatira sa Barangay Biñan, Pagsanjan, Laguna.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang limang piraso ng knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng humigit kumulang na 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang Php3,400,000.00 at buy-bust money.

Samantalang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na ngayon ay nasa PDEA Region 4A Custodial Facility sa Santa Rosa City.(Kevin Pamatmat)

Post a Comment

Previous Post Next Post