340𝙆 𝙃𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙣𝙜 𝙃𝙞𝙣𝙞𝙝𝙞𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙝𝙖𝙗𝙪 𝙠𝙪𝙢𝙥𝙞𝙨𝙠𝙖𝙙𝙤 𝙨𝙖 𝘽𝙪𝙮-𝘽𝙪𝙨𝙩 𝙊𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙎𝙖𝙣 𝙋𝙖𝙗𝙡𝙤 𝘾𝙞𝙩𝙮



Camp BGen Paciano Rizal – Timbog ang isang drug suspek nitong sabado Marso 15, 2025 sa ikinasang drug buy-bust operation ng San Pablo pulis.

Kinilala ni Acting Laguna Police Provincial Director PCOL RICARDO I. DALMACIA ang  suspek na si alyas Arnold residente ng San Pablo City Laguna.

Sa ulat ng San Pablo Component City Police Station (CCPS) sa pamumuno ni PLTCOL REDENTOR G. TIRAÑA, OIC dakong 2:16 ng hapon ng magkasa ng buy-bust operation ang kanilang mga operatiba sa Brgy. Sta. Maria, San Pablo City, Laguna. Sa naturang operasyon ay naaresto ang nasabing suspek matapos mag benta ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ang marked money. 

Makaraang masakote ang suspek ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may kabuoang timbang na humigit kumulang sa 50 grams at may Standard Drug Price (SDP) na aabot sa PhP340,000.00, tatlong (3) piraso PhP 1000 bill na ginamit bilang buy-bust money, PhP350.00 bill recovered money at isang (1) coin purse.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng San Pablo City lock-up cell ang arestadong suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang kaso laban sa kanya na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. 

Ayon Kay PCol.Dalmacia "Hindi hahayaan ng Laguna PNP na lumaganap ang iligal na droga sa lalawigan ng Laguna. Kaya naman  pinalakas at pinaigting pa namin ang  kampanya kontra Iligal na droga patuloy ang pagsasagawa ng mga operasyon laban dito upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan.” (Kevin Pamatmat)

Post a Comment

Previous Post Next Post