Pangatlong Taon ng Barako Festival 2025 ,mas Pinahusay

Pormal ng binuksan ang BARAKAO FEST  2025 sa pamamagitan ng Ribbon cutting ceremony na nagsimula noong ika -13 hanggang ika- 15 ng Pebrero taon kasalukuyan,  na ginanap sa Manila Batangas Bypass Road  Lipa city Batangas .

Kitang- kita na mas pinag handaan ang pangatlong taon ng pagdiriwang ng Barako Festival na nagpapakita ng kaunlaran ng lalawigan ng Batangas. ibat- ibang kompanya at mga grupo ng mga negosyante ang nabigyan ng pagkakataon na kumita at makilala dahil sa Barako Festival.

Isinagawa din ang Ground Breaking ng  Bean Barako Triangle na matatagpuan sa Manila- Batangas Bypass Road section 2 na magiging simbolo at landmark ng mga Barako ng Batangas.


Ipinamalas naman ng mga kongresista sa ng lalawigan ang kanilang pagsuport hindi lamang sa okasyon kundi pati narin ang pagmamahal sa muling magbabalik na dating naging ina ng lalawigan na si Governor Vilma Santos Recto, kasama ang kanyang mga anak na si Luis 'Lucky' Manzano na tatakbo bilang Vice Governor at si Ryan Christian Recto na nagnanais maging kongresman ng ika-6 na Distrito.

Sa pamamagitan ng float ay umikot ang pamilya  Recto kasama si Mayor Eric B Africa na sinundan ng mga kapitan ng ibat+ ibang barangay, mga kongresman pati na din ang team CWS Partylist, talino at Puso at Angkas Sangga Party- List

Sa naganap na presscon na dinaluhan ng ibat-ibang entity ng Nationa at local media ay nagsalita si Aspirant Givernor Vilma na kung sya ay ihahalal na muli ay dalawang bagay lang ang kanyang ipapangako ."Ang para sa tao ay dapat mapunta sa tao. Ang pangalawa ay ang pagkakaroon ng isang salita  pag meron- meron  pag wala- wala , pag oo ay oo pag hindi ay  hindi .Mahirap mamangka sa dalawang ilog dagdag pa nya.

Sa Pamamagitan ni Sencongsec.Ralp G Recto, department of Finance, Vima Santos Recto Governor of Batangas, Luis' Lucky' Manzano for Vice Governor at  Ryan Chriatian Recto Congressman 6th District if Batangas ay Ibabalik ang Dangal at Sigla ng Batangas. 

Via: Lynn Domingo




Post a Comment

Previous Post Next Post