Ika- 8 Medical at Dental Mission ni Cong Amben sa San Pablo Pinilahan



San Pablo City-Umabot sa humigit kumulang na 2500 ang nabiyayaan ng libreng Medical at Dental Services na inihandog ni Laguna 3rd District Representative Loreto S. Amante na ginanap noong ika -15 ng Pebrero na sa Central School Gymnasium lunsod ng San Pablo.

Mahigit na isang daan volunteer Doctor ang nakiisa sa nasabing ika- 8 Medical Mission , Sumuporta si Vice Mayor Justine Colago kasama ang mga miembro ng Sangguniang Panglungsod.Ipinakita din ng Ina ng ikatlong distrito na si Madette Amante ang kanyang full support sa kanyang asawa na nagbigay ng libreng Aling Choleng Hot Pandesal at popcorn. bagamat umapaw din ang libreng burger at tubig ni Cong Amben ,upang walang magutom .

Sa Pahayag ni Cong Amben ay taos puso ang kanyang pasasalamat sa Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker  Representative Martin Romualdez dahil ang tulong na ibinababa nila sa pamunuan ng kongresman ay malaking tulong sa ikatlong distrito ng Laguna.

Idinagdag din nya ang kahalahahan ng Ayuda Program tulad ng AICS, MAICS, AKAP, TUPAD na ang buwis na ibinabayad ng mga tax payer ay direktang naibibigay sa mga tao .

Nang araw ding yun nabigyan linaw ang dahilan ng kanyang pagboto sa empeachment ni VP Sarrah Duterte , hindi ito isyu ng magkabilang partido kundi isyu ito ng pera ng taong bayan na marapat .aniya.

Samantala ibayong pasasalamat ang hatid ng mga taong nagsipunta sa Medical Mission nannagmula pa sa ibat- ibang barangay ng lunsod ng San Pablo  dahil bukod sa libreng check up ay nabigyan din sila ng libreng pang 3 buwan na maitenance,  libreng   X-RAY at libreng flue vacinne .( Lynn Domingo)

Post a Comment

Previous Post Next Post