MGA SUNDALO NG 80IB, NAGBIGAY SUPORTA GINAWANG GIFT-GIVING NG PUREGOLD SA TANAY, RIZAL


TANAY, RIZAL – Ang pagtutulungan at malasakit sa kapwa ay diwa ng pagmamahalang ipinamana ng ating Panginoon. Ito ang ipinadama at ipinakita ng mga kasundaluhan mula sa 80th Infantry Battalion at ng kompanya ng Puregold, isa sa kinikilalang pamilihan. Nagdaos ng ceremonial turnover at gift-giving  ang Puregold na pinangunahan ni Mr. Ferdinand Vincent, CO Owner ng Puregold nitong ika-12 ng Pebrero 2025 sa Barangay Daraitan, Tanay, Rizal, 

Layunin ng aktibidad na magbigay kasiyahan at maghatid ng tulong sa mga residente ng Barangay Daraitan, lalo na sa mga pamilyang nangangailangan ng suporta. Namahagi ang Puregold ng mga pagkain, gamit, at iba pang mga pangangailangan para sa mga kababayan sa nasabing barangay.

Samantala ang 80IB ay naging katuwang sa pagtutok sa seguridad , pagtiyak ng kaayusan at kaligtasan ng lahat ng dumalo at magbigay ng tamang gabay sa mga paggalaw ng mga kalahok. Ang presensyang ito ng mga kasundaluhan ay nagpamalas ng dedikasyon sa pagpapalaganap ng kapayapaan at seguridad sa buong komunidad.

Nagpasalamat naman si Mr. Ferdinand Vincent sa walang sawang suporta at tulong mula sa 80IB at sa buong komunidad ng Barangay Daraitan. "Ang pagtutulungan natin ay tunay na nakakatulong sa pag-unlad at paglago ng ating barangay. Nawa’y magpatuloy ang ating mga inisyatiba para sa ikabubuti ng lahat," ani Vincent.

Ang aktibidad ay nagpatibay sa diwa ng bayanihan at nagbigay inspirasyon sa mga residente na patuloy na magsanib-puwersa para sa kapakanan ng kanilang komunidad.( Pau Mojar)

Post a Comment

Previous Post Next Post