Pagdiriwang ng Araw ng Biñan mas Pinasaya ang Selebrasyon .



Biñan City-Naging tagumpay ang ginawang selebrasyon ng araw ng Biñan noong Linggo na dinaluhan ng ibat ibang sektor ng lungsod sa pangunguna nina Mayor Arman Dimaguila, Vice Mayor Gel Alonte at iba pang local government officials.Isinabay sa naturang  selebrasyon ang pagpapasinaya ng Sentro Pagtanghal ng Sining bilang bahagi ng Biñan cultural heritage.
        Sa nasabing okasyon, ipinagdiwang din ang ika 15th cityhood at 80th liberation day ng lungsod at 278th foundation commemoration ng Biñan.
     Mas naging memorable sa Binanense ang nasabing okasyon ng pasinayaan ang elevated parking na sasagot sa  matagal ng problema sa  parking ng lungsod.
       Naging panauhin pandangal sa selebrasyon si National artist for culture and arts Ryan Cayabyab na nagbigay ng positibong pananaw hinggil sa  pagpapahalaga ng mga Binanense sa  tema ng sining,kultura at arts na humahasa sa talino ng mga lokal na artista ng lungsod.
      Nagpakitang gilas naman sa okasyon ang Biñan Metropolitan Choral group sa rendisyon ng musika na hango sa likha at ideya ni Cayabyab.
    Isang maikling presscon ang ginanap matapos ang selebrasyon kung saan inihayag nito na marami pang proyekto ang kaniyang gagawin sa Biñan sa tulong ng susunod na administration ni Mayor Gel Alonte .
Via: Lynn Domingo

Post a Comment

Previous Post Next Post