Mayor Vicente Amante Pinangunahan ang Pambublikong Konsultasyon Patungkol sa Pagkakaroon ng Extension Office sa Barangay San Jose.

   
San Pablo City- Sa harap ng maraming tao kabilang na ang mga buong sangunian ng 80 barangay ng lunsod ng San Pablo, mga guro at ilanh mag-aaral maging ang mga kasama ang mga konsehal ay pinangunahan ni Mayor Vicente Amante ang unang konsultasyon na tumatalakay sa posibleng paglipat ng tanggapan ng  pamahalaang panlunsod mula sa kabayanan sa barangay V- A patungo sa extension office nito sa barangay San Jose noong Ika 4 ng Pebrero, 2025

Tinalakay dito ang mga pangunahing dahilan at  benepisyo ng  pagkakaroon ng dagdag na maayos at malawak na bagong pasilidad na magiging tanggapan ng ilang opisina ng pamahalaang pang lunsod na tutugon din sa paggaan ng trapiko .

Sa ngayon ay may TODA na naghahatid sa mga mananakay na nagpupunta sa extension office bagamat ipinangako na Mayor na magkakaroon ng libreng sasakyan na iikot at maghahatid sundo mula sa bayan hanggang sa nasabing tanggapan.


Bibigyan diin din ng punong lunsod na proyektong ito ay  pinagplanuhan at dumaan sa legal na proseso na naaayon sa batas ,layunin nito na mapabuti at mas maging episyente ang serbisyo publiko at ang iba’t-ibang operasyon ng mga tanggapan ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng Lunsod ng San Pablo.

Matapos ang talakayan at marinig ang pahayag ng Alkalde ay sumang ayon ang lahat , kasabay ng mainit na palakpakan na nagpapakita ng kanilang solidong pagsuporta sa pamahalaang lokal patungkol sa isyu ng paglilipat ng ilang tanggapan sa ipinatayong Mega Capitol building na nagsilbing extension office ng ilang opisina na lumipat sa  Brgy San Jose.( Lynn Domingo)



Post a Comment

Previous Post Next Post