LAGUNA- Patuloy na isinusulong ni 3rd District Representative Loreto "Amben"Amante ang House Bill na siyang mag-aaruga ,aalalay sa kapakanan ng marami natin mga Special Child.
Sa panayam Kay Cong.Amante ay nakita niya na marami sa kanyang ka distrito sa lalawigan ng Laguna ay may ganitong kalagayan. Kung kaya agad itong nagsulong ng nabangit na batas.
Aniya iniiwasan nitong na mauwi na pagmalupitan ng ibang kamag-anak ang may ganitong may kapansanan. Kaya kalakip ng panukalang batas na magtatayo ng permanenteng tahanan para sa special child na wala ng nag-aaruga sa kanila.
Dagdag pa ni Cong.Amante na kung wala ng magulang ang iba at hindi na nila kayang alagaan ang mga ito ay mayroon gobyerno na kakalinga at magbibigay ng lahat ng kanilang pangangailangan.
Kaya kailangan din may mga itatayong shelter o tahanan sa NCR, Visaya at Mindanao na para sa mga special child
At kung sakaling ganap na itong batas ay hihikayatin ni Congressman ang lahat ng mga mamababatas na magkaroon din sila ng tahanan sa bawat rehiyon at lalawigan sa buong bansa.
Ito ay upang higit silang matutukan ng atensyon , maipadama ang tunay na pagkalinga at pagmamahal para sa ganitong may kapansanan. (Kevin Pamatmat)
Post a Comment