Bumisita sa Lunsod ng San Pablo ang dating DILG Secretary Benhur Abalos noong Ika- 4 ng Pebrero na mainit na sinalubong ni Mayor Vicente Amante , City Admin Larry Amante at ng kanyang mga konsehales kasama lahat ng Sangunian barangay sa Lunsod sa pangunguna ni ABC Ariston Amante.
Dumalo din sina Calauan City Councilor Charles Caratihan at former Bokal Angelica Jones Alarva na parehong sinusuportahan ng lapian ng mga Amante sa kanilang kandidatura sa pagka Board Member ng Lalawigan ng Laguna.
Umalay sa kanya pagdating ang CALABARZON LAGUNA ELITE REGION sa Pangunguna ni Vice president for Luzon Rommel Abital, gayun din San Pablo City Lady Eagles Club na pinamumunuan ni Konsehala Angie Yang na nagpakita ng buong suporta kay Abalos na isa ding kaanib sa kanilang samahan na The Fraternal Order of Eagle Philippines Eagles.
Dahil Kay Benhur Abalos naging Tiger Economy of the Philippines ang Mandaluyong ,kinilala ang naging pag angat ng ekomomiya ng lugar na kung saan sya nag lingkod, " Kung ano ng aking ginawa sa Mandaluyong gagawin ko din ito sa bansang Pilipinas" aniya.
Samantala ipinahayag naman ng Senatorial Candidate na si Abalos ang kanyang pag hanga sa pamumuno ni Mayor Vicente Amante at ng kanyang may bahay na si Mayora Gem Castillo Amante, at pagbati din sa mga taga San Pablo dahil mayron ganitong tao na namumuno na may magandang hangarin at mga programa para sa bayan.( Lynn Domingo)
Post a Comment