HEALTH SYSTEM SA BATANGAS PROVINCE PANGUNAHING TUTUTUKAN NI CONG. MIKE RIVERA"

"

Ito ang tahasang sinabi ni dating Congressman ng 1-Care Partylist at dating Mayor ng Padre Garcia, Batangas Mike C. Rivera matapos makita ang kalagayan ng Regional Hospital ng nasabing Probinsya. 

Ayon kay Cong. Mike Rivera, aayusin nya ang health system ng probinsya, kabilang na dito ang pagdagdag ng district hospital at maayos na pasilidad upang hindi na magsiksikan sa provincial hospital at ganun din sa regional. 

Isa rin sa pagtutuunan ng pansin ni Rivera ang pagkakaroon ng Transient Home sa mga bantay ng pasyente sa bawat hospital dahil kaawa-awa umano ang mga kalagayan nito na kung saan-saan na lamang natutulog ang mga kamag-anak ng mga pasyente. 

Dagdag pa ni Rivera, na kung bibigyan siya ng pagkakataon ay agarang tugon at aksyon ang mararamdaman ng mga Batangueño kagaya ng kanyang ginawang programa sa bayan ng Padre Garcia.

Post a Comment

Previous Post Next Post