ANILAG Festival 2025 ay isang paraan upang patuloy na mapalakas ang LOVE LAGUNA Tourism Campaign. Isa itong aktibong programa na pinangungunahang isakatuparan ng Pamahalaang Serbisyo Tama ni Gobernador Ramil Hernandez at ng kanyang kabiyak at kapartner na Kinatawan ng Ikalawang Distrito, Kagalang galang Ruth M. Hernandez.
Nagpatawag sila ng isang Press Conference na dinaluhan ng mga mamamahayag mula sa radyo, telebisyon, dyario at social media. Ang konsepto nito ay upang panatilihing buhay ang sining, kultura, ekonomiya, at turismo ng Laguna dahilan kung bakit dapat natin itong ipagmalaki at mahalin. At maging" Sama-sama tayo sa tuluy-tuloy na saya sa Laguna!"
Tiniyak ni Tourism Officer na si Pamela Baun na ang Anilag Festival naagsisimula sa March 8 hanggang 16 mas ma magiging malakas ang signal dahil nakipagtulungan na din ang Globe, Smart at Dito Company sa kanila .
Magkakaroon ng Fluvial Parade Parade bilang pagpupugay sa patron ng Festival Nuestra Señora Del Dolores De Turumba.
Ang Trade Fair ay taunang ginaganap upang suportahan ang MsMe at maipakilala ang mga produkto ng Laguna at likhang sining sa bawat bayan.Magiging makulay ang kalsada sa Street Dancing Competition at float Parade.
Magiging bahagi ng Anilag 2025 ang mga kabataan dahil sa kauna unahang pagkakataon nagkaroon ng Bayblade at Tamia Competition at Mr.and Ms Little Laguna.
Magdadala ng kani kaniyang ani ang bawat grupo ng magsasaka na magmumula sa iba't ibang bayan ng Laguna upang ilagay sa malaking basket na magsisilbing representasyon ng Kasaganaan ng Ani ng Laguna (Anilag) at pagkatapos ng okasyon mapupunta ito sa charity.( Lynn Domingo)
Post a Comment