CONGRESSMAN JUDE ACIDRE BUMISITA SA LAGUNA



  Isang karangalang mabisita ni Congressman Jude Acidre ng #TingogPartylist (No. 47 sa Balota) ang bayan ng Laguna partikular ang Pakil, Pagsanjan at Bay
  Kaagapay si Mayor Vince Soriano na tumatayong District Coordinator, kasama si Mayor Cesar Areza ng Pagsanjan na supporter din ng nasabing Partylist

"Bilang District Coordinator po ng Tingog Partylist, ito po ang Partylist na pangunahin kong  nahihingan ng tulong para sa mga pangangailangang Medikal (MAIP) at Financial Assistance (AICS, AKAP at TUPAD) ng ating mga kababayan at kadistrito" ani Vince Soriano

  Sa kasalukuyan  ay may mga Tingog Centers na sa Famy, Pangil, Lumban, Santa Cruz at Pagsanjan  na maari ng malapitan. Bukod dito mayroon din silang mga Tingog Help Desks sa Santa Maria, Mabitac, Siniloan, Pakil, Paete, Kalayaan, Cavinti, Luisiana, Majayjay, Magdalena at Pila na bukas sa mga nagnanais na makipag-ugnayan.
 
  Personal na nagpasalamat ang ina ng batang si Briel Pahutan na nagkasakit ng Biliary Atesia isang sakit na nakakamatay at kinakailangan ang agaran na operasyon na nagkakahalaga ng 2.5M piso. Sa tulong ni Mayor Joe Padrid ay nailapit ang bata sa Tingog Partylist at nadala sa India upang operahan at hanggang ngayon ay patuloy  pa din ang pagsuporta sa kanila. 

 Sa dalawanng taon ng Tingog Partylist ay hindi na mabilang ang kabilang mga acomplishment ,umabot na sa 40 ang kanilang naipasang batas, malaking parte ng kanilang attention ay ang pagtulong sa mga local goverment hospital mahigit isang daang libo na din ang naging scholars  at patuloy pa din ang pagtulong nila sa mga colleges at University.

  Kung mapapagbigyan muli ang Tingog Partylist ayon kay Acidre ay mas sisipagan at paghuhusayin ang paglilingkod sa mamayang Pilipino.
Via: Lynn Domingo

Post a Comment

Previous Post Next Post