Ikinalungkot ni dating senador Manny Pacquiao ang katotohanan na ang ugat ng kahirapang nararanasan ng mga Pilipino ay ang matinding korapsyon na nagaganap sa ating gobyerno.
Ito ang kanyang ipinahayag na hinaing sa harap ng mga kabataan, municipal mayors at supporters sa isinagawang Youth Forum sa Queen Margarett Hotel, Lucena noong ika- 25 ng Pebrero
Sa una ay sumentro ang kanyang mensahe sa kagustuhan niya na magkaroon ng libreng pabahay ang mamamayang Pilipino na walang maayos na tahanan.
Pangako ni Pacquiao na kung siya ay papalarin muli niyang buhayin ang kanyang isinulong na Senate Bill No. 2463 “An Act Providing For A Free Public Housing Program, Amending For That Purpose Republic Act No. 11201, And For Other Purposes”
Marami aniya na isinulong na batas ang tinaguriang “People’s Champ” at sa ngayon ay “Ninong Manny Pacquiao” subalit isa ang Pre-Public Housing Act sa hindi naipasa na kanyang lubhang ikinalungkot.
“Marami akong i-finile na batas, hindi lang naisabatas, isa na po ‘yung sinasabi ko na sinabi ko na Pre-Public Housing Act. Gusto ko po ‘yun maisabatas dahil gusto ko po na mamigay ng libreng bahay sa bawat pamilya na walang tirahan.” wika ng senador.
“‘Yan po kasi ang ginagawa ko doon sa amin. Kaso lang, ang ginagamit kong pera, yung sarili kong pera ang ginagastos ko. So, malaki na po ang nagastos ko. Hindi po kaya na ako lang kailangan yung gobyerno ang gagastos para magbigay ng sarili tahanan sa bawat pamilya. Kasi may pera naman ang gobyerno. Kaso lang, marami nga po nga nakawan ang nangyayari sa ating gobyerno. Masakit lang po sabihin pero totoo po ang nangyayari na marami po “corruption” sa ating gobyerno ngayon. Which is ‘yun po ang dahilan bakit naghihirap ang ating bansa. Bakit maraming mga Pilipino ang naghihirap?
Kaya naman po, narito akong... compassionate dahil, alam niyo po, ito na’ yung pagkakataon ko ng magpasalamat sa inyong lahat. Malaki po ang pasalamat ko sa inyong lahat, sa inyong walang sawang pagsuporta kay Manny Pacquiao, lalo na sa aking boxing career.” madamdamin pang ani ni Pacquiao.
Sa dulo ay nagpasalamat siya sa lahat ng dumalo at nakinig sa kanyang makabuluhang talumpati.
Post a Comment