Mga nabiyayan ang libreng Gamutan Malaking Pasalamat sa SM Foundation



Nagpasalamat sa SM Foundation ang  humigit kumulang  na 500 katao na  nabigyan ng libreng Check up at gamot na ginanap sa Atruim ng SM San Pablo  araw ng Miyerkules ika-19 ng Pebrero.

Bukod sa libreng check up ng kanilang mga  espesialistang doctor ay nagkaroon din ng libreng X-ray ,glucose ,hemoglobin at uric acid  test ,

Naging prioridad ang mga senior na mas higit na nangangailangan ng serbisyong medikal lalo na ng kanilang maintenance na gamot.

Ayon Kay Miss Nina Wong , PR Manager ng SM San Pablo, umiikot ang SM Foundation sa lahat ng kanilang store sa buong Pilipinas bahagi ng pagmamahal at pagkalinga sa kanilang mga shoppers.

Katuwang ang Infinity Lions Club at Leo Club na umalalay sa nasabing Medical Mission kasama ang Redcross San Pablo Chapter at PLSP nursing Student na nag aasist upang maging maayos at mabilis ang serye ng gamutan.

Sa tulong ng MX3 Company ay hindi nainip ang mga nakapila dahil may libreng mainit na kape na maayos na ipinamahagi , kasama ng food suppliment at Biblia.

Nagkaroon din ng pagkakataon na magpa check up ang ilang guard, media at mga volunteer na tumulong sa mission, ( Lynn Domingo)

Post a Comment

Previous Post Next Post