Masaya ang lahat sa naging Sashing Ceremony at talent competition ng Queen of San Pablo City2025 na talaga namang lumabas mula sa ibat-ibang barangay ang mga talented at nag gagandahang kalahok na ginanap sa SM City San Pablo Atrium
Ang kaganapang ito ay handog ni Kap.Ding Villanueva na isang Aspirant City Councilor sa Lunsod ng San Pablo, na may layunin na matulungan ang ibat-ibang sektor ng lipunan kabilang na ang mga LGBTQ.
Kita- kita ang pagsuporta sa proyektong ito nina City Councilor Ambo Amante, Coun.Tibor Amante ,at Coun Francis Calatraba, kasama si SK Eldrich Khristoffer Villanueva at ang kanyang Ama na si Chairman Ivan Virtucio Villanueva
SA pamamagitan ng ganitong competition ay naipapakita ng mga contestant ang kanilang mga galing at nararamdaman nila ang pagpapahalaga sa kanila ng komunidad.
Andun din ang PR Manager ng SM City San Pablo na si Ms Niña Wong na nagpasalamat din dahil maraming napasayang shoppers lalo na sa talent portion na bigay todo ang mga presentation ng bawat isa na naghahangad na manalo at makoronahan.
Post a Comment