2ID PRESS CORPS NAGBIGAY SAYA SA POST CHRISTMAS PARTY NG DUMAGAT - REMONTADO


Ilang miyembro ng 2ID Press Corps ang nagbigay saya sa naging okasyon ng huling selebrasyon ng Samahan Lakas ng Lahing Katutubong Dumagat - Remontado (SAMLAK) na ginanap sa Sampaloc Elementary School, Sampaloc, Tanay, Rizal nitong Enero 5, 2025.

Maraming salamat sa nagbahagi ng regalo na sina Lt Col Noel Wamil, Battalion Commander ng First Infantry Battalion, 2ID, Philippine Army at iba pang nagsponsors lalung lalo na sa ilang  miyembro ng 2ID Press Corps na sina: Gng  Jackie Palima, G. Wilson Palima, Dante Abrera, Lynn Domingo, Rommel Madrigal, Grace Maniaga, Sol Luzano, Mary Ann Gonzales. 

Pasasalamat din sa ilang indibidwal na sina Barangay Sampaloc Kagawad Gina Berdan, Paula Cheska Dassun, Danny Mojar at sa mga miyembro na nakapag ambag ng paraffle, ipagpaumanhin ang hindi pagbanggit ng inyong mga pangalan dahil nawala ang listahan. 

Ayon kay Gng Remedios Casin Santiago, Pangulo ng SAMLAK huli na nilang naipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan dahil sila ay naging abala sa pag aasikaso patungkol sa kanilang Ancestral Domain na lupa. 

Huli man itong naisagawa ay marami pa rin sa mga Dumagat- REMONTADO ang nakadalo kahit ang iba ay nagsipasok na sa kani- kanilang pinagtatrabahuhan. 

" Kay Pau Dela Cruz , kay pamangkin Cristy Dassun at sa mga Media na nag bigay ng mga paraffle Salamat po! wag po nyo kaming pagsasawaan gabayan at tulungan. ", sambit na pasasalamat ni Pangulong Remedios C. Santiago. 

Dinaluhan ito ng isangdaan at tatlumput dalawa ang lahat ng dumalo ay nabigyan ng paraffle maliban sa nagsipag uwi. 

#SAMLAK
#dumagatRemontado 
#SAMAHANGLAKASngLAHINGKATUTUBONGDUMAGATREMONTADO
#2idpc
#katutubo

Post a Comment

Previous Post Next Post