Nakakagulat ang sobrang kapal ng mga tao sa convention noong January 9 dahil sa patawag ng DanGem team ito ay mga grupo ng leaders at supporters nina Aspirant Governor Dan Fernandez at Vice Governor Gem Castillo Amante sa convention center sa Lunsod ng San Pablo.
Ang mga tao ay nagmula pa sa ibat-ibang barangay ,at halos Isang milya ang pila, kahit siksikan ang pila at maiinit ay walang sumuko hanggang makapasok sa loob makita at makapag selfie sa dalawang kandidato ng Laguna na nagpatawag sa kanila
Ayon sa datus ng mga volunteer na nag asikaso na mga nakauniform ng DanGem ay umabot sa higit kumulang sa 14,000 ang dumalo ng araw na yun at nabigyan ng barcode na nag papatunay na sila kabilang na sa DANGEM team.
Malinaw ang binitiwang pangako ni Dan Fernandez na sa gagawin nyang paglilikuran kung sya ay papalarin mahalal bilang gobernador ng Laguna at masayang nakinig ang lahat at umaasa sa kanilang idolo na napili. lalo na ng kinantahan na sila ni Mayora Gem Returto Amante na nagbigay ng pampakalma kapag naka duet ka nya.
Sulit ang pagpila nila dahil lahat ay nakapag pa picture at nabigyan ng tulong bilang pangkain at pamasahe sa araw na yun. Ang 500 piso ay mukhang maliit ngunit napakalaking bahay ito sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong at hikahos sa buhay.
Ang ganitong sitwasyon ay naipapakita na ang survey na lumalabas sa social media ay taliwas sa nangyayari sa katotohanan dahil ang naging pagtugon sa panawagan ay nagpapatunay lang ng kanilang pagtangkilik sa dalawang kandidato,ngunit wala pa din makakapagsabi kung sino nga ba ang malakas at gusto ng tao hanggang hindi pa nangyayari ang botohan
Post a Comment