KALIGTASAN SA LIKOD NG MGA REHAS


LAGUNA- Magkatuwang ang Gandang Lyn TV, Kevin i-TV, at JCGS Church Nagcarlan Laguna sa kakatapos lamang na outreach program sa Bay Municipal Police Station, Male Custodial Facility.

Bahagi ito ng programa sa ating mga person deprived of liberty PDL. Upang maabot ang kanilang mga pangangailangan.

Kung saan pinahintulutan maisagawa ang programa sa patnubay ni PMajor .Ruffy Taduyo Acting Chief Police ng bayan ito.

Dito ay naghanda si Gandang Lyn TV ng 17 food packs, Softdrinks ,at mga personal hygiene na produkto ng Personal Collection Direct Selling, nainilaan para sa mga PDL . Ang programang ito ay may temang naman "Kaligtasan sa Likod ng mga Rehas"

Samantalang pagkalapit pa lamang ni Pstr.Renato "Dudon" Jovellano Jr. sa selda ay ibinahagi nito ang dati niyang buhay ng siya ay malulong sa masama bisyo hangang sa siya ay patuloy na binago ni Cristo.

Mataimtim na nakinig ang mga ito sa mensahe ng salita na Diyos at sa payout ni Gandang Lynn TV sabay ng panalangin ng pagtangap ng kaligtasan na hatid ng Panginoon Hesu- Cristo.(Kevin Pamatmat)

Post a Comment

Previous Post Next Post