Napapanahon para sa mga Senior citizen ng Biñan City ang pagtanggap nila ng kanilang social pension na 3000 tatlong araw bago sumapit ang kapaskuhan na ginanap sa Alonte Sports Arena araw ng linggo.
Ang nasabing payout ay pinangunahan ni Mayor Arman Dimaguila kasabay ng paglelecture nya sa lahat ng senior citizens patungkol sa kamakailan lamang na pagsasabatas ng Republic Act 11982, na nag-amyenda sa Centenarians Act of 2016. Sa ilalim ng batas na ito, ang mga indibidwal na umabot sa 100 taong gulang ay makakatanggap ng ₱100,000 cash gift mula sa National at ₱100,000 din mula sa local na pamahalaan.Bukod dito, ang mga nakatatanda sa Biñan ay maaari na ngayong makatanggap ng ₱10,000 cash gift mula sa national at 5,000 naman sa local. kapag umabot na sa edad na 80, na may karagdagang ₱10,000 na ibibigay tuwing limang taon pagkatapos nito sa edad na 90 at 95.
Umabot sa bilang na 18660 ang mga Senior citizen na nabigyan ng payout sa loob ng dalawang araw kasabay ng paraffe handog ni Mayor Arman at Vice Mayor Gel Alonte na naging maayos dahil sa tamang itinakdang kanya- kanyang oras ng pagdating ng bawat barangay , maging ang pagbibigay ng birthday gift sa mga senior na hindi pa kasama sa pensioner ay isinabay na din ng araw na yun.
Bukod sa programang pang senior citizens ay bubukasan na din Ang hospital at mga eskwelahan kabilang na ang science high na school na mas mapapakinabangan ng mga Biñanense.
Bagamat huling taon na ng pagiging punong lunsod ni Mayor Arman ay ipagpapatuloy ni Vice Mayor Gel Alonte ang mga nasimulang programa kung sya ay maluluklok bilang Mayor, lalo na sa senior citizen na sya mismo ang may akda para maamiyendahan ang batas para sa kanila .( Lynn Domingo)
Post a Comment