SENATOR REVILLA NAG-ABOT NG PERSONAL NA TULONG SA MGA TAGA TALISAY AT LAUREL, BATANGAS



Talisay Batangas-Kinabukasan matapos mailibing ang mga biktima ng bagyong Kristine sa Brgy Sampaloc sa Bayan ng Laurel ay dumating si Senator Ramon Revilla Jr. at sinalubong ito ni Mayor Nestor Natanauan sa kanyang Tanggapan sa Talisay Municipal hall noong ika- 30 ng Octobre.

Laban lang tayo ganyan talaga ang buhay ngunit malalampasan natin yan bungad na panalita ng senador ng humarap sya sa mga pamilya ng mga namatayan na naging prayoridad sa araw na yun. Mula sa sariling sikap o sariling bulsa ng senador ang dala dala na mga relief goods pack at mineral water na siyang pangunahing pangangailangan.

Ipinangako din nya Kay Mayor Natanauan, na tutulungan ang mga taga Talisay sa pamamagitan ng TUPAD  at AICS program, katulad ng ginagawa nya sa iba pang bayan sa Laguna. Maging ang Laurel Batangas ay pinuntahan din nya ng araw na yun.

Nagpasalamat naman ang Alkalde ng bayan ng Talisay sa ginawang tulong ni Senator Revilla at gagawin pa. Ayon Kay Mayor Nestor Natanauan wala sa kanila kahit isa illegal na pamumutol ng puno at hindi totoo ang kumakalat na balita na kaya gumuho ang lupa ay sa pagkawala ng mga puno kundi sa tagal ng pagbuhos ng ulan.

Personal din ipinaabot ni Kapitan Edgardo  Starin ng Brgy Sampaloc ang kanyang pasasalamat Kay Senator  Revilla dahil sa tulong para sa kanyang mga kabaranggay na mga namatayan.
Maging ang  lokal na pamahalan ng Talisay ay nagdiklara na ng State of Calamity upang mailabas nila ang pondo ng pamahalaan upang patuloy na maglalaan ng budget  sa pagsagot sa araw araw na pagkain ng mga evacuees. Via: Lynn Domingo 

Post a Comment

Previous Post Next Post