Pormal nang nanumpa si Municipal PTA President Christian Ilagan sa harap ni Mayor Vincent RJ MEA ng Tiaong, Quezon kasama ang kanyang kasamahang opisyales na sina Vice Chairperson Michael Hernandez, Secretary Michelle Pelaez, Treasurer Susie De Leon, Auditor Leonardo Cosico, PIO Grace Lalunio at Elvira Napucao, Board of Directors Jonas Bryson Abinza, Richard Colot, Arlene Cadano, Joyce Mendoza, Mylene Catud, Russell Balmes at Benson Mitra na ginanap sa Tiaong Town Plaza araw ng Lunes, November 11, 2024.
Agaw pansin din ang kanilang mga pa premyo na umaapaw mula sa mga sponsors ng kanilang induction ball ng School Parent-Teacher Association.
Sa mensahe ni Chairperson Tanoy Christian Ilagan sa harap ng mga magulangin at ng mga guro ay sinabi nito na kailangan lamang sa ganitong tungkulin ang pagkakaisa at kapit bisig na nagtutulungan upang makamit ang inaasam-asam na tagumpay ng bawat paaralan.
Ayon naman kay Mayor Vincent RJ Mea na siya rin ang panauhing pandangal na nagbigay ng inspirational message sa naturang aktibidad na maging responsable sa inaatang na mga tungkulin dahil malaking prebilihiyo na mapagkatiwalaan ng ganitong posisyon dahil katuwang sila ng lokal na pamahalaan at ng school board para sa magandang adhikain na maging gabay sa mga learners at pagpapaayos ng bawat paaralan sa nasabing bayan.
Dumalo rin si Vice Mayor Roderick Umali kasama ang mga Sangguniang Bayan Members na sina Konsehal Tom Ilao na siyang Chairman ng Commitee on Education, Konsehal Jonas Atienza, Kons Maja Escueta, Kons Rick Baldeo, Kons Eula Lopez, Kons Manong Junior Castillo at Kons Rex Bautista na nakiisa sa naturang aktibidad na nagpaabot din ng kanilang pa premyo.
Masaya at naging makabuluhan ang selebrasyon ng kanilang induction ball na umuwi ang bawat isa ng mga pa premyo dahil meron din silang mga pa-Raffle dahil sa mga biyaya ng kanilang natanggap mula sa mga sponsors.
Pinasalamatan din ni Pangulong Tanoy Ilagan si Mayor Vincent RJ Mea dahil sa todong suporta sa naturang aktibidad na lahat naging masaya ang mga dumalong opisyales ng SPTA ganun din kay Quezon Governor Doktora Helen Tan na nagpaabot ng mga pa premyo at si 2nd District Cong. David 'Jay-Jay' Suarez ganun din sa iba pang mga sponsors.
Tampok din sa naturang aktibidad sina QFPTA Vice President JR Narit na siya ring Municipal PTA President ng Real, Quezon at Chairman ng Committee on Ways and Means na si Pangulong Michelle Galomo na siyang Presidente rin ng Municipal PTA ng Dolores, Quezon. (Lynn Domingo)
Post a Comment