PAG-AKAP NG OFW PARTYLIST IPINADAMA SA MGA TRISIKEL DRIVER SA BAYAN NG NAGCARLAN


LAGUNA-  Pinangunahan ni Ma Ark/Inh Elmor Vitangcol Vita sa pamamagitan ng tanggapan ng MSWD ang pamamahagi ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program o (AKAP) hatid ito ng OFW Partylist sa mga piling tricycle driver ng bawat TODA ng bayan ito kahapon, ika-19 ng Nobyembre 2024. 

Ayon kay Mayor Vita nagpapasalamat  ito sa OFW Partylist Representative Kgg. Marissa “Del Mar” Magsino sa laging pagsuporta at pagbibigay nito ng tulong sa mga kapos sa kita at pangkabuhayan.


Umabot naman ng  mahigit 594 na piling mga tricycle drivers ng ibat-ibang TODA  Na nakatangap  ng halagang Php. 3,000.00 bawat isa kahapon Ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program AKAP ay isang bagong programa ng DSWD na layong mabigyan ng tulong ang mga Pilipinong kumikita ng minimum wage, na mahihirap natin mga mamamayan .
Via:Kevin Pamatmat 

Post a Comment

Previous Post Next Post