Congressman Bosita Dumalaw sa Lunsod ng San Pablo


Dumalaw sa San Pablo City si Congressman Bonifacio Bosita ng 1- Rider Partylist Dala Dala Ang adbokasiya ng Road Safety and  Riders Continues Development, noong ika- 19 ng Nobyembre na masayang inestima ng Ina ng Lunsod na si Mayora Gem Castillo Amante na tumatakbong Bise- Gobernador ng lalawigan Laguna Ok

Bago pumunta  sa PAYOUT ng AKAP ng araw na din yun ay sinalubong sya ng mga trysikel driver na mga taga San Pablo  sa Doña Leonila Park na kung saan doon ginanap ang paraffle para sa kanilang mga riders. Kasama si Consi Gel Adriano , Consi Chad Pavico at SK President Ace Villanueva na nagbigay pag - asa sa mga dumalo ng araw na yun.

Masaya naman inawitan sila ni Vice Governor Gem Amante paraan upang maabutan sila ng konting tulong. ipinahayag din ng first lady ang pagpapahalaga nya sa mga driver na pag nakikita nya sa daan kung kalaliman na ng gabi ay inaabutan na lang nya at pinapauwi na upang makapamahinga na.
Higit na Masaya ang Ama ng Lunsod ng si Mayor Vicente Amante sa dala- dala adbokasiya ng Kongresista para sa mga driver hindi lang sa San Pablo kundi sa buong Pilipinas 

Samantala humigit kumulang (200) dalawang daan katao ang nabiyayaan ng AKAP Payout na nagmula pa sa ibat- -ibang barangay sa ilalim ng proyekto ng DSWD.

Ayon Kay Congressman Bosita mahalaga ang malaman ng isang rider ang kanilang katapatan at mga alituntunin na naayon sa batas .ipinagtatanggol din nya ang mga rider na inaabuso ng mga abusadong manghuhuli sa kalsada.(Lynn Domingo)

Post a Comment

Previous Post Next Post